1.May mga produkto ba sa bayan na laging binabalik-balikan ng mga hindi taga-rito?
2.Bakit ito binabalik-balikan?
3.Saan ito matatagpuan o mabibili?
Sapatos
Ang Marikina City ang gumagawa ng magaganda, dekalidad, matibay at higit sa lahat ay world-class na mga sapatos kaya ito ay binabalik-balikan ng mga kalapit na lugar. Noong 1978 hanggang 1982, ang mga sapatos na gawa sa Marikina ay humataw ang bentahan sa Fifth Ave., New York City dahil dito nakilala ang Marikina hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Humigit kumulang 139 paggawaan na ng mga sapatos ang naipatayo noong 1935. Noong 1983, ang Marikina ang nagpoprodyus ng pitumpot pitong porsyento ng mga sapatos sa buong Pilipinas. Marami kang mapagpipilian kung sa palengke ka ng Marikina sa De la Paz ka bibili.
Bag
Isa din sa ipinagmamalaki ng Marikina ay ang kanilang mga matitibay ng bags. Mayroon silang bag na para sa pampasok sa eskwela, pampasok sa opisina at ang iba naman ay bags gamit sa pamamalengke dahil ipinagbawal na ang paggamit ng plastic sa lugar. Mabibili mo din ito sa loob ng palengke.
Wallet
Hindi rin mawawala ang kanilang wallet o pitaka. Mayroon silang gawa sa katad na may iba't-ibang disenyo, mayroon din namang recycled at gawa sa mga beads. Marami nito sa loob ng Palengke ng Marikina
Bibliyograpiya:
Sugarboo Extra Long Digital Titanium Styler
TumugonBurahinA sugarboo with a titanium screws perfect size and a lot of extra content is added to enhance titanium network surf freely the flavor. The Sugarboo titanium water bottle Extra Long is a is titanium lighter than aluminum 2oz plastic bottle that contains $24.95 · titanium chords In stock